Lunes, Marso 7, 2011

LUNES: Ikasiyam na lingo sa Karaniwang Panahon

Marcos 11, 23.24
                                                Ani Hesus na Mesiyas,
                                                “Sinasabi kong matapat,
                                                anumangipakiusap
                                                sa dalangin ninyong wagas
                                                pananaliga’t magaganap.”

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Ama naming mapagmahal,
pagharian mo sa iyong Espiritu
Kaming pinapakinabang mo
Sa Katawan at Dugo ni Kristo
upang di lamang sa pagsasalita
kundi rin naman sa pagsasagawa
ikaw ay aming maipagdangal
at maging marapat kaming makapasok
sa kaharian mo sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA                                                               Tobit 1, 3;2, 1a-  8
                                               

Akong si Tobit ay nagsumikap na mamuhay
            nang tapat sa kalooban ng Diyos.
                                   
Ang simula ng aklat ni Tobit

            Sa buong buhay ko, akong si Tobit , ay nagsumikap na mamuhay nang tapat sa kalooban ng Diyos. Inugali ko ang pagkakawanggawa at naglingkod ako sa aking mga kamag – anak at mga kababayan na kasama kong napatapon bilang bihag sa Ninive, Asiria
            Nang makabalik ako sa aking tahanan sa piling ng aking asawa at anak ay panahon ng pagdiriwang ng Pentekostes, ang Pista ng Pitong Linggo, at hinandugan nila ako ng isang masarap na salu – salo. Nang Makita kong nakahain na ang masarap na pagkain, tinawag ko ang aking anak na si Tobias. “Anak,” ang wika ko, “ humarap ka rito sa Ninive ng kahit sinong dukhang kababayan nating tapat sa Panginoon. Dalhin mo siya rito at nang makasalo ko. Daliin mo. Hihintayin kita.”
            Lumabas si Tobias upang humanap ng makakasalo ng kanyang ama. Ngunit bumalik ito agad na sumisigaw, “Tatay! Tatay!” “Bakit?” Anong nangyari, anak?” tugon ng ama. “ May kababayan tayong binigti at itinapon sa palengke,” sagot ng anak. Dahil sa narinig ko’y hindi na ako nakakain; halos patakbong iniwan ko ang hapag, pinuntahan ang bangkay, at dinala ko sa isang kubling pook upang ilibing paglubog ng araw. Matapos kong gawin ito, nagbalik ako sa amin, naglinis ng katawan, at kumaing nalulumbay. Nonn ko nagunita ang pahayag ni Propeta Amos sa mga taga – Betel.:
            “Ang inyong pagdiriwang ay magiging pagdadalamhati
            At ang inyong kasayahan ay magiging panaghuyan.”
Nanangis ako.
            Paglubog ng araw, lumabas ako at humukay ng paglilibingan, at ibinaon doon ang bangkay. Sa ginawa kong ito, pinagtawanan ako ng aking mga kapitbahay. Ang sabi nila, “Hindi nab a nadala ang taong ito? Ipinadakip na siya para patayin sa ganito ring kasalanan; ngayo’y nalibing naman!”
           
Ang Salita ng Diyos.


SALMONG TUGUNAN
                                                                        Salmo 111, 1 -2. 3-4. 5-6 (Tugon: 1a)

Tugon :Mapalad s’ya na may takot
             sa D’yos na magandang – loob.
o kaya  : Aleluya.


Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
Siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
Pati mga angkan ay pinagpapala.


Tugon :Mapalad s’ya na may takot
             sa D’yos na magandang – loob.



Magiging sagana sa kanyang tahanan
Katarungan niya’y walang katapusan.
Ang taong matuwid, may bait at habag,
Kahit sa madilim taglay ay liwanag.


Tugon :Mapalad s’ya na may takot
             sa D’yos na magandang – loob.




Ang magpapautang nagiging mapalad,
Kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.
Hindi mabibigo ang taong matuwid,
Di malilimutan kahit isang saglit.


Tugon :Mapalad s’ya na may takot
             sa D’yos na magandang – loob.

ALELUYA                                                                                           Pahayag 1, 5ab

            Aleluya! Aleluya!
            Si Hesukristo ay tapat,
            Saksi at buhay ng lahat;
            Tayo’y kanyang iniligtas.
            Aleluya! Aleluya!



MABUTING  BALITA                                                                         Marcos 12, 1 – 12
                                                                                   
Kanilang  sinunggaban ang minamahal na
  anak, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.                                                          
                                                                                               
          Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

            Noong panahong iyon, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga punong saserdote, mga eskriba, at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya,  “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid , at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mgakasama, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang  utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang parte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala. Ang may – ari’y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo at dinusta.Nag – utos nanaman siya sa isa pa, ngunti pinatay nila ang utusang iyon. Gayon din ang ginawa nila sa marami pang iba,; may binugbog at may piñata. IIsa na lang ang natitira na maaring papuntahin sa kanila – ang kanyang minamahal na ank. Ito ang kahuli – hulihang pinapunta niya, ‘Igagalangnila ang aking anak,’wika niya sa sarili. Ngunit ang mga kasama’y nag –usap- usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo , patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’ Kanilang sinunggaban siya, piñata at itinapon sa labas ng ubasan.
            “Ano ngayon ang gagawin ng may – ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa’y ibibigay sa iba. Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan?
            ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
            Ang siyang naging batong punulukan.
            Ginawa ito ng Panginoon,
            At ito’y kahanga - hanga !”
            Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Hesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya’t hindi nila siya inano at sila’y umalis.

            Ang Mabuting Balita ng Panginoon


PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Ama naming Lumikha,
sa iyong katapatan kami’y nagtitiwala
ngayong ang mga alay ay aming inihanda
at inihahain dito sa banal mong dambana.
Sa kagandahang- loob mong sa ami’y dumadalisay
kami nawa’y magkaganap nang may malinis na kalooban
sa paglilingkod namin sa banal na pagdiriwang
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Pakikinabang: Salmo 17, 6
                                                Dahil iyong dinirinig
                                                 Ang daing ko at paghibik,
                                                Iyo nawang maulinig
                                                Ang sumasamo kong tinig
                                                Poong aking iniibig. 
o kaya: Marcos 11, 23.24
                                                Ani Hesus na Mesiyas,
                                                “Sinasabi kong matapat,
                                                anumangipakiusap
                                                sa dalangin ninyong wagas
                                                pananaliga’t magaganap.”

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Ama naming mapagmahal,
pagharian mo sa iyong Espiritu
Kaming pinapakinabang mo
Sa Katawan at Dugo ni Kristo
upang di lamang sa pagsasalita
kundi rin naman sa pagsasagawa
ikaw ay aming maipagdangal
at maging marapat kaming makapasok
sa kaharian mo sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Linggo, Marso 6, 2011

IKASIYAM NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (A)

Pambungad
Salmo 25,16. 18
                                                Dakilang Poong Maykapal,
                                                lingapin mo’t kahabagan.
                                                Api at walangkaramay
                                                yaring aking abang buhay,
                                                patawad mo’y kailangan.


PANALANGING PAMBUNGAD
Ama naming makapangyarihan,
ang iyong paglingap ay di nagkukulang
sa iyong pagsubaybay sa tanan.
 inilulubog naming iyong pawiin
ang tanang makapipinsala sa amin
at iyo nawang panatilihin
ang pakikinabangan naming walang maliw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Ama naming Lumikha,
sa iyong katapatan kami’y nagtitiwala
ngayong ang mga alay ay aming inihanda
at inihahain dito sa banal mong dambana.
Sa kagandahang- loob mong sa ami’y dumadalisay
kami nawa’y magkaganap nang may malinis na kalooban
sa paglilingkod namin sa banal na pagdiriwang
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Pakikinabang: Salmo 17, 6
                                                Dahil iyong dinirinig
                                                 Ang daing ko at paghibik,
                                                Iyo nawang maulinig
                                                Ang sumasamo kong tinig
                                                Poong aking iniibig. 
o kaya: Marcos 11, 23.24
                                                Ani Hesus na Mesiyas,
                                                “Sinasabi kong matapat,
                                                anumangipakiusap
                                                sa dalangin ninyong wagas
                                                pananaliga’t magaganap.”

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Ama naming mapagmahal,
pagharian mo sa iyong Espiritu
Kaming pinapakinabang mo
Sa Katawan at Dugo ni Kristo
upang di lamang sa pagsasalita
kundi rin naman sa pagsasagawa
ikaw ay aming maipagdangal
at maging marapat kaming makapasok
sa kaharian mo sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


A.

UNANG PAGBABASA                                                           Deuteronomio 11,18.26 – 28. 32

                                                                                    Itinakda ko sa inyo ang pagpapala at sumpa.

Pagbabasa mula sa aklat ng Deuteronomio

            Sinabi ni Moises sa bayan: “ Kailangan ang mga utos na ito’y itanim ninyo sa inyong mga puso’t isipan. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, at itali sa inyong noo.
            “Sa araw na ito, itatakda ko sa inyo ang pagpapala at sumpa. Pagpapalain kayo ng Panginoon kapag sinunod ninyo ang kanyang mga utos, ngunit susumpain niya kayo kapag sumamba kayo sa ibang diyos sa halip na sumunod sa kanyang mga utos. Sundin ninyong mabuti ang Kautusan at ang mga tuntuning inilahad ko ngayon sa inyo.”
           
            Ang Salita ng Diyos.





SALMONG TUGUNAN
                                    Salmo 30, 2-3a. 3b – 4.17 at 25 (Tugon 3b)

Tugon: D’yos ko, ako’y ipagtanggol
            at iligtas, Panginoon.


Sa’yo, Panginoon, ako’y lumalapit
Upang ingatan mo, nang hindi malupig;
Ang aking dalanging laging sinasambit:
“Iligtas mo ako, o Diyos na matuwid”
Sagipin mo ako, ako ay pakinggan!
Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
Tagapagtanggol ko’t aking kaligtassan.


Tugon: D’yos ko, ako’y ipagtanggol
            at iligtas, Panginoon.

Tagapagtanggol ko at aking kanlugan,
Ayon sa sabi mo, ako’y patnubayan.
O aking patnubay, ako ay iligtas,
S patibongnila at umang sa bitag;
Kupkupin mo ako at iyong ingatan,
Ang pagliligtas mo sa aki’y pakamtan;
Ikaw na aking Diyos, na tapat at tunay.


Tugon: D’yos ko, ako’y ipagtanggol
            at iligtas, Panginoon.

Itong iyong lingcod, sana ay lingapin;
Ingatan mo ako’t iyong pagpalain;
Iligtas mo ako at iyong sagipin,
Tanda ng pag – ibig na di nagmamaliw!
O magpakatatag ang mga nilikha,
Lahat sa Poon ay nagtitiwala!


Tugon: D’yos ko, ako’y ipagtanggol
            at iligtas, Panginoon.



IKALAWANG PAGBASA                                                                    Roma 3, 21- 25a. 28

                                    Ang tao’y pinawawalang – sala dahil sa pananalig at hindi sa
pagtupad ng Kautusan.

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol Pablo sa mga Taga – Roma

Mga kapatid:
            Ngayo’y nahayag na ang pagpapawalang – sala ng Diyos sa mga tao. Ito’y hindi sa pamamagitan ng batas, bagama’t ito’y pinatotohanan ng Kautusan at ng mga propeta. Pinawawalang – sala ng Diyos ang lahat ng nananalig kay Hesukristo sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya, maging Judio at maging Hentil. Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat – dapat sa paningin ng Diyos. Gayunman, dahil sa kanyang kagandahang – loob ay pinawalang – sala sila sa pamamagitan ni Kristo Hesus, na nagpalaya sa kanila. Siya ang itinakda ng Diyos na maging handog upang sa pagbububo ng kanyang dugo ay maipatawad ang kasalanang tao sa pamamagitan ng pananalig sa kanya.
            Sapagka’t  maliwanag na ang tao’y pinawalang – sala dahil sa pananalig kay Kristo, at hindi sa pagtupad sa kautusan.
           
            Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA                                                                                           Juan 15, 5
            Aleluya! Aleluya!
            ako’y puno, kayo’y sanga;
            kapag ako ay kaisa,
            kayo’y  t’yak  na mamumunga.
            Aleluya! Aleluya!


MABUTING BALITA                                                                          Mateo 7, 21-27
           
Ang bahay sa ibabaw ng bato at ang
bahay na nakatayo sa buhanginan.

          Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

            Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban  ng aking Amang nasa langit. Pagdating ng huling Araw, marami ang magsasabi sa kin,
‘ Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!’ At sasabihin ko sa kanila, ‘ Kailanma’y hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama!’
            Kaya’t ang bawa’t nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba saapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato. Ang bawa’t nakikinig sa aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan ng malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak.”

            Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lunes, Pebrero 21, 2011

Luklukan ni San Pedro Apostol (Kapistahan)

PAMBUNGAD
Lucas 22,32


Sinabi ni Jesukristo
"Dalangin Ko, Simon Pedro
Panalig mo'y Manalo
Nang ang Kapwa alagad mo
Mapalakas mong Totoo

PANALANGING PAMBUNGAD


Ama naming makapangyarihan,
ipinakikiusap naming huwag mong ipahintulot
na madaig ng anumang mabigat na pagsubok
kaming naninindigan sa ibabaw ng batong si Apostol San Pedro
na Sumasampalatayang matapat sa iyong Anak na si Jesukristo,
na aming Tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Unang Pagbasa
Pedro 5, 1-4
Bilang isa ring matandang tulad ninyo
nasaksihan ko ang mga paghihirap ni kristo.


Pagbasa mula sa unag Sulat ni Apostol San Pedro


Mga pinakamamahal, sa matatandang namamahala sa inyo, nanawagan ako bilang isa ring matandang tulad ninyo. Nasaksihan ko ang paghihirap ni Kristo at makahati naman ako sa karangalang nalalapit nang ipahayag, ipinamamanhik kong Alagaan ninyo ang kawang ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos. pamahalaan ninyo ito ng maluwag sa loob, hindi napipilitan lamang, sapagkat iyan ang ibig ng Diyos, Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa masakim na paghahangad ng pansariling kapakinabangan, kundi sa katuwang maglingkod; hindi bilang panginoon ng inyong mga kawan. At pag parito ng Pangulong Pastol ay tatanggap kayo ng maningning na koronang di kukupas kailan man.


Ang Salita ng Diyos


SALMONG TUGUNAN 
Salmo 22,1-3a,3b-4,5,6


Tugon:


Pastol ko'y Panginoong D'yos
hindi ako magdarahop


Panginoo'y aking pastol, hindi ako magkukulang,
Ako'y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibiyan niya ako niyong bagong kalakasan

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
Sa matuwid na landasi'y doon ako inaakay
Kahit na ang daang iyo'y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagka't ika'y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang
ito'y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Tunay na ang pag-ibig mo ang iyong kabutihan,
sasaaki't tataglayin habang ako'y nabubuhay:
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan


Aleluya
Mateo 16, 18


Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Pedro ang saligan
ng aking simbahang banal
na daing ang kamatayan.
Aleluya!Aleluya

MABUTING BALITA

Mateo 16, 13-19
Ikaw ay Pedro, at ibibigay ko sa iyo
ang mga susi ng kaharian ng langit.


+ Ang Mabuting Balita ng panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, dumating si jesus sa lupain mg Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?" At Sumagot Sila, " Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta." Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako? tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Kristo, ang Anak ng diyos na Buhay." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na Anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking amang nasa langit. At Sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapanaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: amg ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ip[ahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,
paunlakan mo ang pagdulog ng Simbahang naghahain at dumadalangin
upang sa pagtataguyod ni San Pedro bilang pastol
kami'y makarating sa iyong pamanang walang maliw
na siyang hantungan ng pananampalatayng itinuro niya sa amin
sa pamamagitan ni Jesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan

UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO TUNGKOL SA MGA APOSTOL

Ang mga Apostol ay mga pastol ng bayan ng Diyos

Ama naming makapangyarihan.
tunay ngang marapat
na ika ay aming pasalamatan.


Ikaw ang Pastol na lagingh pumapatnubay
sa mga kabilang sa nililingap mong kawan.
ito ang ginanap na pananagutan
ng giliw mong Anak at Pastol  ng tanan.
Ang mga Apostol ay kanyang mga katulang
sa pagiging pastol na patnubay ng sambahyanan.


Kaya kaisa ng mga Anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
mg walang himpay sa kalangitan
kami'y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

PAKIKINABANG
Mateo16,16.18

Wika ni Pedro kay jesus
'kayo'y Kristo, Anak ng D'yos."
At si Jesus ay sumagot
"ika'y Pedro, batong subok,
saligan ng bayan ng Diyos."

PANALANGIN PAGKAPAKINAPANG

Ama naming mapagmahal,
sa pagdiriwang naming ito ng kapistahan
ni Apoatol San Pedro
kami'y nakinabang sa katawan at Dugo ni krsito.
Ang ginanap naming pakikipagpalitang-handog sa iyo ngayon
ay maging panandang naglalahad nawa
ng pagkakaisa at kapayapaan
sa pamamagitan ni Jesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Podcast ng mga pagbasa mula sa awit at papuri