Linggo, Marso 6, 2011

IKASIYAM NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (A)

Pambungad
Salmo 25,16. 18
                                                Dakilang Poong Maykapal,
                                                lingapin mo’t kahabagan.
                                                Api at walangkaramay
                                                yaring aking abang buhay,
                                                patawad mo’y kailangan.


PANALANGING PAMBUNGAD
Ama naming makapangyarihan,
ang iyong paglingap ay di nagkukulang
sa iyong pagsubaybay sa tanan.
 inilulubog naming iyong pawiin
ang tanang makapipinsala sa amin
at iyo nawang panatilihin
ang pakikinabangan naming walang maliw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Ama naming Lumikha,
sa iyong katapatan kami’y nagtitiwala
ngayong ang mga alay ay aming inihanda
at inihahain dito sa banal mong dambana.
Sa kagandahang- loob mong sa ami’y dumadalisay
kami nawa’y magkaganap nang may malinis na kalooban
sa paglilingkod namin sa banal na pagdiriwang
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Pakikinabang: Salmo 17, 6
                                                Dahil iyong dinirinig
                                                 Ang daing ko at paghibik,
                                                Iyo nawang maulinig
                                                Ang sumasamo kong tinig
                                                Poong aking iniibig. 
o kaya: Marcos 11, 23.24
                                                Ani Hesus na Mesiyas,
                                                “Sinasabi kong matapat,
                                                anumangipakiusap
                                                sa dalangin ninyong wagas
                                                pananaliga’t magaganap.”

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Ama naming mapagmahal,
pagharian mo sa iyong Espiritu
Kaming pinapakinabang mo
Sa Katawan at Dugo ni Kristo
upang di lamang sa pagsasalita
kundi rin naman sa pagsasagawa
ikaw ay aming maipagdangal
at maging marapat kaming makapasok
sa kaharian mo sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


A.

UNANG PAGBABASA                                                           Deuteronomio 11,18.26 – 28. 32

                                                                                    Itinakda ko sa inyo ang pagpapala at sumpa.

Pagbabasa mula sa aklat ng Deuteronomio

            Sinabi ni Moises sa bayan: “ Kailangan ang mga utos na ito’y itanim ninyo sa inyong mga puso’t isipan. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, at itali sa inyong noo.
            “Sa araw na ito, itatakda ko sa inyo ang pagpapala at sumpa. Pagpapalain kayo ng Panginoon kapag sinunod ninyo ang kanyang mga utos, ngunit susumpain niya kayo kapag sumamba kayo sa ibang diyos sa halip na sumunod sa kanyang mga utos. Sundin ninyong mabuti ang Kautusan at ang mga tuntuning inilahad ko ngayon sa inyo.”
           
            Ang Salita ng Diyos.





SALMONG TUGUNAN
                                    Salmo 30, 2-3a. 3b – 4.17 at 25 (Tugon 3b)

Tugon: D’yos ko, ako’y ipagtanggol
            at iligtas, Panginoon.


Sa’yo, Panginoon, ako’y lumalapit
Upang ingatan mo, nang hindi malupig;
Ang aking dalanging laging sinasambit:
“Iligtas mo ako, o Diyos na matuwid”
Sagipin mo ako, ako ay pakinggan!
Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
Tagapagtanggol ko’t aking kaligtassan.


Tugon: D’yos ko, ako’y ipagtanggol
            at iligtas, Panginoon.

Tagapagtanggol ko at aking kanlugan,
Ayon sa sabi mo, ako’y patnubayan.
O aking patnubay, ako ay iligtas,
S patibongnila at umang sa bitag;
Kupkupin mo ako at iyong ingatan,
Ang pagliligtas mo sa aki’y pakamtan;
Ikaw na aking Diyos, na tapat at tunay.


Tugon: D’yos ko, ako’y ipagtanggol
            at iligtas, Panginoon.

Itong iyong lingcod, sana ay lingapin;
Ingatan mo ako’t iyong pagpalain;
Iligtas mo ako at iyong sagipin,
Tanda ng pag – ibig na di nagmamaliw!
O magpakatatag ang mga nilikha,
Lahat sa Poon ay nagtitiwala!


Tugon: D’yos ko, ako’y ipagtanggol
            at iligtas, Panginoon.



IKALAWANG PAGBASA                                                                    Roma 3, 21- 25a. 28

                                    Ang tao’y pinawawalang – sala dahil sa pananalig at hindi sa
pagtupad ng Kautusan.

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol Pablo sa mga Taga – Roma

Mga kapatid:
            Ngayo’y nahayag na ang pagpapawalang – sala ng Diyos sa mga tao. Ito’y hindi sa pamamagitan ng batas, bagama’t ito’y pinatotohanan ng Kautusan at ng mga propeta. Pinawawalang – sala ng Diyos ang lahat ng nananalig kay Hesukristo sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya, maging Judio at maging Hentil. Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat – dapat sa paningin ng Diyos. Gayunman, dahil sa kanyang kagandahang – loob ay pinawalang – sala sila sa pamamagitan ni Kristo Hesus, na nagpalaya sa kanila. Siya ang itinakda ng Diyos na maging handog upang sa pagbububo ng kanyang dugo ay maipatawad ang kasalanang tao sa pamamagitan ng pananalig sa kanya.
            Sapagka’t  maliwanag na ang tao’y pinawalang – sala dahil sa pananalig kay Kristo, at hindi sa pagtupad sa kautusan.
           
            Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA                                                                                           Juan 15, 5
            Aleluya! Aleluya!
            ako’y puno, kayo’y sanga;
            kapag ako ay kaisa,
            kayo’y  t’yak  na mamumunga.
            Aleluya! Aleluya!


MABUTING BALITA                                                                          Mateo 7, 21-27
           
Ang bahay sa ibabaw ng bato at ang
bahay na nakatayo sa buhanginan.

          Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

            Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban  ng aking Amang nasa langit. Pagdating ng huling Araw, marami ang magsasabi sa kin,
‘ Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!’ At sasabihin ko sa kanila, ‘ Kailanma’y hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama!’
            Kaya’t ang bawa’t nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba saapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato. Ang bawa’t nakikinig sa aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan ng malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak.”

            Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento