Lunes, Marso 7, 2011

LUNES: Ikasiyam na lingo sa Karaniwang Panahon

Marcos 11, 23.24
                                                Ani Hesus na Mesiyas,
                                                “Sinasabi kong matapat,
                                                anumangipakiusap
                                                sa dalangin ninyong wagas
                                                pananaliga’t magaganap.”

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Ama naming mapagmahal,
pagharian mo sa iyong Espiritu
Kaming pinapakinabang mo
Sa Katawan at Dugo ni Kristo
upang di lamang sa pagsasalita
kundi rin naman sa pagsasagawa
ikaw ay aming maipagdangal
at maging marapat kaming makapasok
sa kaharian mo sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA                                                               Tobit 1, 3;2, 1a-  8
                                               

Akong si Tobit ay nagsumikap na mamuhay
            nang tapat sa kalooban ng Diyos.
                                   
Ang simula ng aklat ni Tobit

            Sa buong buhay ko, akong si Tobit , ay nagsumikap na mamuhay nang tapat sa kalooban ng Diyos. Inugali ko ang pagkakawanggawa at naglingkod ako sa aking mga kamag – anak at mga kababayan na kasama kong napatapon bilang bihag sa Ninive, Asiria
            Nang makabalik ako sa aking tahanan sa piling ng aking asawa at anak ay panahon ng pagdiriwang ng Pentekostes, ang Pista ng Pitong Linggo, at hinandugan nila ako ng isang masarap na salu – salo. Nang Makita kong nakahain na ang masarap na pagkain, tinawag ko ang aking anak na si Tobias. “Anak,” ang wika ko, “ humarap ka rito sa Ninive ng kahit sinong dukhang kababayan nating tapat sa Panginoon. Dalhin mo siya rito at nang makasalo ko. Daliin mo. Hihintayin kita.”
            Lumabas si Tobias upang humanap ng makakasalo ng kanyang ama. Ngunit bumalik ito agad na sumisigaw, “Tatay! Tatay!” “Bakit?” Anong nangyari, anak?” tugon ng ama. “ May kababayan tayong binigti at itinapon sa palengke,” sagot ng anak. Dahil sa narinig ko’y hindi na ako nakakain; halos patakbong iniwan ko ang hapag, pinuntahan ang bangkay, at dinala ko sa isang kubling pook upang ilibing paglubog ng araw. Matapos kong gawin ito, nagbalik ako sa amin, naglinis ng katawan, at kumaing nalulumbay. Nonn ko nagunita ang pahayag ni Propeta Amos sa mga taga – Betel.:
            “Ang inyong pagdiriwang ay magiging pagdadalamhati
            At ang inyong kasayahan ay magiging panaghuyan.”
Nanangis ako.
            Paglubog ng araw, lumabas ako at humukay ng paglilibingan, at ibinaon doon ang bangkay. Sa ginawa kong ito, pinagtawanan ako ng aking mga kapitbahay. Ang sabi nila, “Hindi nab a nadala ang taong ito? Ipinadakip na siya para patayin sa ganito ring kasalanan; ngayo’y nalibing naman!”
           
Ang Salita ng Diyos.


SALMONG TUGUNAN
                                                                        Salmo 111, 1 -2. 3-4. 5-6 (Tugon: 1a)

Tugon :Mapalad s’ya na may takot
             sa D’yos na magandang – loob.
o kaya  : Aleluya.


Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
Siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
Pati mga angkan ay pinagpapala.


Tugon :Mapalad s’ya na may takot
             sa D’yos na magandang – loob.



Magiging sagana sa kanyang tahanan
Katarungan niya’y walang katapusan.
Ang taong matuwid, may bait at habag,
Kahit sa madilim taglay ay liwanag.


Tugon :Mapalad s’ya na may takot
             sa D’yos na magandang – loob.




Ang magpapautang nagiging mapalad,
Kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.
Hindi mabibigo ang taong matuwid,
Di malilimutan kahit isang saglit.


Tugon :Mapalad s’ya na may takot
             sa D’yos na magandang – loob.

ALELUYA                                                                                           Pahayag 1, 5ab

            Aleluya! Aleluya!
            Si Hesukristo ay tapat,
            Saksi at buhay ng lahat;
            Tayo’y kanyang iniligtas.
            Aleluya! Aleluya!



MABUTING  BALITA                                                                         Marcos 12, 1 – 12
                                                                                   
Kanilang  sinunggaban ang minamahal na
  anak, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.                                                          
                                                                                               
          Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

            Noong panahong iyon, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga punong saserdote, mga eskriba, at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya,  “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid , at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mgakasama, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang  utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang parte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala. Ang may – ari’y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo at dinusta.Nag – utos nanaman siya sa isa pa, ngunti pinatay nila ang utusang iyon. Gayon din ang ginawa nila sa marami pang iba,; may binugbog at may piñata. IIsa na lang ang natitira na maaring papuntahin sa kanila – ang kanyang minamahal na ank. Ito ang kahuli – hulihang pinapunta niya, ‘Igagalangnila ang aking anak,’wika niya sa sarili. Ngunit ang mga kasama’y nag –usap- usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo , patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’ Kanilang sinunggaban siya, piñata at itinapon sa labas ng ubasan.
            “Ano ngayon ang gagawin ng may – ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa’y ibibigay sa iba. Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan?
            ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
            Ang siyang naging batong punulukan.
            Ginawa ito ng Panginoon,
            At ito’y kahanga - hanga !”
            Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Hesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya’t hindi nila siya inano at sila’y umalis.

            Ang Mabuting Balita ng Panginoon


PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Ama naming Lumikha,
sa iyong katapatan kami’y nagtitiwala
ngayong ang mga alay ay aming inihanda
at inihahain dito sa banal mong dambana.
Sa kagandahang- loob mong sa ami’y dumadalisay
kami nawa’y magkaganap nang may malinis na kalooban
sa paglilingkod namin sa banal na pagdiriwang
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Pakikinabang: Salmo 17, 6
                                                Dahil iyong dinirinig
                                                 Ang daing ko at paghibik,
                                                Iyo nawang maulinig
                                                Ang sumasamo kong tinig
                                                Poong aking iniibig. 
o kaya: Marcos 11, 23.24
                                                Ani Hesus na Mesiyas,
                                                “Sinasabi kong matapat,
                                                anumangipakiusap
                                                sa dalangin ninyong wagas
                                                pananaliga’t magaganap.”

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Ama naming mapagmahal,
pagharian mo sa iyong Espiritu
Kaming pinapakinabang mo
Sa Katawan at Dugo ni Kristo
upang di lamang sa pagsasalita
kundi rin naman sa pagsasagawa
ikaw ay aming maipagdangal
at maging marapat kaming makapasok
sa kaharian mo sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento